Search

Mensahe ng Pakikiramay | March 6, 2025

Taos-puso akong nakikiramay sa pamilya at buong puwersa ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa pagpanaw ng dalawang magigiting na piloto na sina Major Jude Salang-oy at 1Lt April John Dadulla, na lulan ng FA-50 fighter jet na bumagsak sa Mount Kalatungan range, Bukidnon noong ika-apat ng Marso.

Bayani sila ng ating bayan.

Ang kanilang paglilingkod sa mga Pilipino ay nararapat na magsilbing inspirasyon sa ating lahat, lalo na sa kabataan.

Nawa’y bigyan ng lakas ang kanilang mga naulila upang makabangon muli sa gitna ng kanilang pagdadalamhati, at magkaroon ng kapanatagan sa kabila ng sakit na kanilang pinapasan.

Saludo kami sa inyo Major Salang-oy at First Lieutenant Dadulla.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines