Search

Mensahe Para sa Semana Santa 2025

April 14, 2025

Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.

Magandang araw sa inyong lahat.

Nakikiisa ako sa sambayanang Pilipino sa pagdarasal, pag-aayuno, at pagbubukas ng ating puso ngayong Semana Santa.

Ito ay mahalagang pagkakataon upang pagnilayan natin ang banal na pag-aalay ng buhay ni Hesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan.

Magsilbi sanang ilaw sa atin ang sakripisyo ni Hesus at patatagin natin ang ating pananampalataya sa mga panahong tayo ay nagiging mahina, nawawalan ng pag-asa, o punong-puno ng pasanin, galit, at mga hangaring lumaban sa ating kapwa.

Habang dumaranas ang bayan ng matinding pagsubok at lalong lumalalim ang pagkawatak-watak, ang Kuwaresma ay paanyaya para sa panahon ng paghilom, pagbabalik-loob, at pagbabalik-tanaw sa mga pinahahalagahan nating Pilipino: malasakit, pananampalataya, at pagkakaisa.

Tularan sana natin ang pagmamahal ni Hesus sa atin — ituro ito, palaganapin ito, at gamitin ito sa ating pagsusulong at pagpapalakas ng mga komunidad na nananampalataya, nagsisilbi sa kapwa at sa bayan.

Manalig tayo. Magkaisa tayo. Malalampasan natin ang dilim.

God save the Philippines.

Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines