Sa taong 2024, matagumpay na natulungan ng Office of the Vice President (OVP) ang 16 na grupo na may 1,003 aktibong miyembro at 489 individuals sa buong bansa sa pamamagitan ng programang Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD).
Ang MTD ay isa sa mga programa ng OVP kung saan layunin nito na tugunan ang kawalan ng trabaho at mas mapalago ang kabuhayan ng ating mga kababayan -- tulad ng mga kababaihan, senior citizen, miyembro ng LGBTQIA+, kabataan, at iba pang mga sektor.
Patuloy ang dedikasyon ng OVP sa pagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga Pilipinong nagsusumikap para sa mas maunlad na kabuhayan.