Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Ngayong Fire Prevention Month, nakikiisa ako sa Bureau of Fire Protection at sa lahat ng ating mga fire volunteers sa pagsusulong ng mga hakbang upang maprotektahan ang sarili, pamilya, tahanan, at komunidad sa sunog.
Seryoso ang kasiraan na dala ng sunog subalit isa itong trahedya na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng tamang kaalaman at paghahanda.
Hinihikayat ko ang lahat na suportahan ang Bureau of Fire Protection, mga lokal na pamahalaan, at mga volunteer organizations sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagpapalakas ng kultura ng kahandaan upang malayo tayo sa panganib at pinsala ng sunog.
Dalhin natin ang kampanyang ito sa mga tahanan, paaralan, komunidad, pribadong organisasyon at establisyemento.
Ang bawat Pilipino ay responsable—maging maalam, mapagbantay, at lumahok sa mga fire safety drill sa ating mga komunidad.
Sama-sama nating itatag ang mas handa, mas ligtas, at mas matatag na bansa.
Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino.
Shukran.