Ang Office of the Vice President ay nakikiisa ngayong buwan ng Abril 2025 sa Pambansang Buwan ng Panitikan na may temang "SIKAD PANITIKAN: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran.”
Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 10 Pebrero 2015, na nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang Buwan ng Panitikang Pambansa o National Literature Month na nagbibigay-halaga sa panitikan na nakalimbag sa iba't ibang wika sa Pilipinas na itinuturing na pamanang pangkultura sa mga susunod na henerasyon.