Event Date: April 12, 2023, at 8:00 am
Assalamualaikum. Maayong buntag sa inyong tanan. Magandang umaga sa inyong lahat.
Nabanggit po ni mayor na marami pong women’s groups dito sa ating Municipality ng Sta. Maria. Noong nakaraang buwan po ay nasa San Pedro, Laguna kami para magbigay ng suporta sa kanilang women’s groups.
Noong ako po ay mayor, isa po ‘yan sa mga tinutukan namin dahil unang-una, nakita ko siya sa isang reklamo. Dahil kung ikaw ay mayor, lahat ng tao, lahat ng reklamo, ay pupunta sa iyo. Nakita ko na ang isang babae ay nagrereklamo na kaaway niya ang kanyang kapitbahay na babae rin.
Tinawag ko ‘yung aming social worker at tinanong ko sa kanya, “Bakit ang dami-dami nating natatanggap na reklamo na mga magkakapit-bahay na nag-aaway?” Sabi sa akin ng social worker namin na marami kasi sa kanila ang walang ginagawa sa buong araw dahil hinahatid nila ang kanilang mga anak sa paaralan. Pagbalik nila sa bahay ay naglilinis, naglalaba, nagluluto, at pagkatapos ‘nun ay nag to-tong-its habang hinihintay ang kanilang mga anak mula sa paaralan. So doon nagsisimula ang mga away-away dahil wala silang ginagawa.
So sinabi ko sa social worker namin na maganda siguro na bigyan natin sila ng alternative sources of income na mayroon silang ginagawa habang naghihintay sila sa kanilang mga anak na makalabas ng paaralan.
Kaya gumawa kami ng isang livelihood program na Mag-Negosyo Ta ‘Day at dinala namin ang proyektong iyon sa Office of the Vice President at iyon ang binibigay namin na tulong sa mga women’s groups na napupuntahan at nabibisita namin. Kami po ay nag o-offer ng Php 100,000 na tulong sa mga projects na gustong gawin sa mga organizations.
Masaya ako dahil nakabisita ako at naka-attended ng inyong festival at opening program dahil nami-miss ko din po ‘yung mga ganitong mga events. Dahil noong ako ay mayor sa Davao City, marami po kaming mga agri-trade events dahil parehong-pareho po ang Sta. Maria at Davao City — malaki po ang agricultural community namin doon sa Davao City. Nagulat rin ako sa sinabi ni mayor na mayroon rin palang Lanzones dito sa Sta. Maria na tulad ng mga prutas namin sa Davao.
Ikinagagalak ko po na makasama kayong muli sa isa na namang importanteng selebrasyon dito sa Laguna — ang Marilag Festival ng bayan ng Santa Maria.
Ang inyong bayan ay ipinangalan sa babaeng napakalaki at napakahaga ang papel sa buhay ni Hesus.
Marami sa atin ang mga deboto ni Santa Maria at naniniwala sa kanyang kabanalan at pagmamahal sa atin.
Masasabi nating, si Santa Maria ay marilag.
Nararamdaman natin ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa ating buhay. At naniniwala tayo, na ang ating debosyon sa kanya, bilang ina ni Hesus, ay magiging daan para mas mapalapit tayo kay Hesus.
Marilag. Ang ibig sabihin — maganda. Ngunit hindi lamang ito nakatuon sa pisikal na kagandahan. Nag-uugat rin ang pagiging marilag sa kabutihan ng puso, at pagkatao.
Angkop na angkop ang okasyong ito para magpasalamat tayo sa biyaya ng karilagan ng Santa Maria.
Pasalamatan din ninyo ang inyong mga sarili — para sa inyong naging kontribusyon para ang inyong bayan ay maging marilag sa nakalipas na panahon at magpatuloy sa pagiging marilag sa susunod na mga taon.
Malaki ang ambag ng Santa Maria sa kaunlaran ng m probinsya ng Laguna. Ang biyaya ng kalikasan sa Santa Maria ay biyaya din sa kalikasan ng inyong probinsya.
Bilang food basket ng Laguna Province, malaki ang inyong ginagampanang papel para sa pag-unlad ng inyong mahal na probinsya.
And very soon, according to our Mayor, kayo na po ang pinakamalaking supplier ng Kapeng Barako sa buong CALABARZON. Congratulations.
Today, we pay tribute as we celebrate the richness of your agricultural farms, the sacrifices and dedication of the people who toil the land, and commitment of everyone behind Santa Maria’s agriculture sector.
Allow me to commend the local government and the people of Santa Maria for your resilience and cooperation in paving wider and more sustainable paths of development for your local communities.
Experience tells me that the foundations of development and growth that is inclusive — that targets the most vulnerable sectors — are built on good governance.
It is my hope that the local leaders of Santa Maria will continue to uphold the values of good governance and become even more relentless in embarking on initiatives for the improved welfare of the communities of Santa Maria.
Allow me to commend the local government and the people of Santa Maria for your resilience and cooperation in paving wider and more sustainable paths of development for your local communities.
Sa pagkakataong ito, sana ay pahintulutan ninyo ako na manawagan sa lahat ng mga magulang na na nandito ngayon — pati na rin sa lahat ng mga sektor at organisasyon sa Santa Maria.
Para po sa kapakanan ng mga kabataan — siguruhin po sana natin na sila ay pumapasok sa paaralan at nag-aaral.
Gabayan po natin sila at ipakita natin ang kahalagahan ng edukasyon para sa pagkakaroon ng maayos o magandang buhay.
Importante po ang edukasyon para mapagtagumpayan natin ang mga hamon ng buhay at sa ating bayan.
Lagi ko pong sinasabi — walang short cut sa tagumpay. Kailangan po ng pagsusumikap ng mga magulang at ng ating kabataan.
Noong Enero, inilunsad po ng Department of Education ang Matatag Agenda.
The Matatag Agenda highlights the two-track approach of the Department — complementing the traditional solutions of hiring more teachers and building more classrooms with more innovative solutions of tapping modern technology to bridge the gaps in basic education.
I also trust at nananawagan po ako sa inyong lahat that you will join our call in combatting local terrorism. Sinisira po ng teroristang grupo na NPA ang buhay at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Ang NPA ay katulad din po ng kriminal at ilegal na droga. Kailangan rin po natin silang mailayo ang ating mga anak.
Magkaisa po tayo dito.
Protecting Filipino children is protecting the Philippines.
At magkapit-bisig tayo sa paglinang ng marami pang mga paraan para tayo ay umunlad at maisulong ang pagtatayo ng isang maunlad, matibay, at marilag na Pilipinas.
I wish you a happy and meaningful Marilag Festival.
Lahat - para sa Diyos, bayan, at pamilyang Pilipino.
Shukran.